STARBOOKS SA AKLATANG BSC
- rramos563
- Nov 13, 2019
- 1 min read
Binisita kaninang hapon ng STARBOOKS Monitoring Team na kinabibilangan nina Bb. Joy Ann M. Horlina at G. Mitchel B. Lechuga ng DOST ang STARBOOKS na mayroon ang Aklatang BSC. Napag-alaman na sa taong 2013 pa lamang ay mayroon ng STARBOOKS ang silid aklatan ng Batanes State College. Hinihikayat ang lahat na gamitin ang deytaveys na ito sapagkat maraming matutunan at makakalap na kaalaman sa aspetong Agham at Teknolohiya. Ibinigay ito ng libre ng DOST at ito ang kauna-unahang dijital na laybrari pang-Agham sa Pilipinas at ito ay naaakses ng mga Ivatan sa Batanes anumang oras. Mayroon itong Britannica Ultimate Encyclopedia at mahalagang pagmumulan ng mga elektronikong impormasyon para sa pagbabasa at pagsasaliksik ng lahat.

Comments